This is my last post on this blog. :D
This served as my online journal for four years, thus, kasama ko ito sa buhay undergrad ko. :D
Haha, daming akong napost dito na:
- song lyrics
- interests ko
- class standings
- drama sa buhay
- patawa na post
- pati mga non-sense post :D
Ako'y lilipat na sa aking bagong blog, which is currently untitiled.
Ngayon tuloy, nagfflash-back sa isipan ko ang mga highlights ng buhay ko for the past four years.
Anyway, ittry ko silang i-post dito.
Random thoughts ito ah:
- Naalala ko na kung bakit ako nag-blog or pano ako natutong mag-blog. :D I found out kasi some of my blockmates na may blog sila, so ako rin nakigaya, haha.
- Ang mga earliest posts ko dito ay mga song lyrics na pa-senti. :D (sori lang)
- Hindi rin mawawala ang mga announcements ko about Kapamilya new shows.
- I remember nung first day ever of class ko sa UP, which is CS 11, ay I got a feeling na mahihirapan na ako (feeling manghuhula). Hindi nga ako nagkamali, haha. Uy, ah, muntikan na akong mag-drop ng CS 11. Buti na lang naniniwala ako na mas maganda na ituloy ang laban hanggang sa huli, kahit matalo, kesa sumuko kaagad.
- It's masaya (coño?) meeting new people, pero nung umpisa, high school friends ko muna yung kasabay ko pag lunch. I remember, tnry namin ayusin ang sched namin (i.e. planuhin kung ano yung ieenlist sa CRS), para lang pareho kami ng break. Pero hindi na ito natuloy nung second year na kami. :D
- Una kong naging katabi: si Reggie sa CS 11.
- Una kong katapat/katalikod sa upuan: si Wigi, CS 11 parin.
- Unang class na may assignment: CS 11, yung may What is Computer Science at mga pina-define na terms :D
- Una kong kinatakutang class: Eng 1, hahaha.
- Unang enjoy na class: Physics 10.
- Una kong class na may reading assignment kaagad: Physics 10, about classical physics ata yun.
- Una kong report sa class: Bubble Sort, CS 11.
- Una kong group presentation: isang balagtasan sa Philo 11.
- My first PE and my first Wednesday class: Competitive Scrabble
- Unang classmate na tinawagan ko sa landline: David
- Unang classmate na hiniraman ko ng readings: Helen; Kasi naiwan ko yung readings ko sa Philo 11, eh strict yung prof ko dun na walang sharing ng reading while inside the class at nagtatawag kasi siya :D
- Naaalala ko tuloy kung pano ako nahirapan sa CS 11 (sorry lang, di ako henyo). Hahaha, dito nagsimula ang mga late submission ng MPs at pagka-late ko rin sa class :D (aga kasi ng CS 11 eh, hehe). Bait din ni Ma'am Becca for accepting late MPs. :D
- Naalala ko rin ang first machine exercise. Kung hindi ako nagkakamali, except Hello World, yung convertion from Celsius to Fahrenheit. Haha, di ko ito natapos within the period, pero nagawa ko minutes after mag-dismiss :D
- Unang tres: CS 11 (thankful pa ako sa lagay na ito dati)
- Second sem, ntry ko kumuha ng 7am class, which is Math 53, para tumino ako (i.e. magsipag mag-aral, masanay gumising nang maaga, maagang makauwi), ngunit, haha, ito yung first class ever ata na na-late ako for one hour at pumasok pa rin ako :)) dito rin ako unang nag-removals.. :(( I thank Dr. Tapia, napakabait nya kasi binigyan nya ako ng pointers para sa removals. :D
- Christmas party and exchange gifts with blockmates sa lagoon. Wooh, wala akong natanggap dito! Curse yung nakabunot sa akin! :))
- Nabunot ko that time: Aira.
- Gift ko sa kanya: The Purpose Driven Life book
- Nakakahiya man, ako lang ata yung nahirapan sa MP 2 sa CS 12, yung GUI Minesweeper. Sorry lang ulit, di ko kasi maintindihan nung una yung mouse events kung pano na yun sa Java code. Maraming salamat din sa mga taong binulabog ko nun para magtanong. :D I remember, tnext ko nun sina Reggie at Rich, hehe, nagreply naman sila. :D At si Gerro din, haha, kahit di ko pa sya kilala that time, nag-message ako sa kaya thru Friendster. :D
- Natutunan ko naman ito from my Socio 10 class: "Eh ano ngayon?" -Ma'am Dionisio
- Unang super crammed presentation: Comm 3. Akala ko ibabagsak ako ng prof ko dahil di pa ako ready that day. Pinag-present nya ako next meeting :D
- Unang class na lumayas ako after signing the attendance: Kas 1
- Nagpatuloy ang late MP submission sa CS 21, haha, pinaka-late ko ata is one month, yung calculator! Grabe, natagalan ako. Salamat ulit kay Gerro. Sa kanya ko kasi nalaman yung idea kung pano ko natapos yung MP. :D
- My first Math 54 tested my faith. Hahaha, kaya yan... walang mag-da-drop! :)) Ayun, pati removals, hindi nakayanan.
- Unang subject na pnrerog ko: Bio 1; boring naman at pahirapan pa yung grade, hehe.
- First MP na natapos ko nang maaga at na-submit ko ontime: CS 32 MP1: Exam Scheduling Program. Sa CS 32 lang ako nakapagsumit ng MPs on time. Dahil na rin siguro sa policy si Sir Quiwa na "no MP, no exam" kaya nagsipag akong gumawa ng MP.
- Hindi ako nag-pa-pass ng probset sa CS 32.
- Ako na lang natira sa tass/last row ng upuan sa CS 32 kasi nagsipag-drop yung mga katabi ko eh.
- Ntry ko ring mag-summer nung 2006. Math 55 at Aral Pil 12. Masaya naman ang karanasan ko sa summer. Masaya kasi ang Aral Pil 12! At magaling magturo ang prof ko sa Math 55 kaya madali ko rin itong naintindihan, thanks to Dr. Pasion.
- Bilang lang sa kamay ang ipinasok ko at naging class namin sa CWTS. :D
- Wooh, third year... CS 140, CS 150, Stat 130, EEE 8, wooh, daming events dito.
- First grouped MP: CS 150, groupmates ko sina Arvin at Arvin (haha; Castro at Marifosque)
- Ang maagang pag-pa-pa-photocopy ng handouts sa Stat.
- Ang hat-check (hot-chick) girl.
- Ang oral exam sa CS 150. :D
- Ang paggawa ng MP sa condo nina Arvin M. :D
- Haha, nagtatawag sa CS 140 :D ok lang naman
- First field trip ko sana sa Geog 1 kaso kasabay kasi nun yung exam ko sa EEE 8 eh. **bitter**
- Bagsak yung midterms ko sa Geog 1 at wala pa ako sa field trip, so ako lang ang nagfinals ata sa class namin. Pero bait din ni Ma'am Villanueva. Mataas grade ko dito.
- First CS subject na nakakuha ako ng 1 point something: CS 140 (sorry lang din ulit, hindi ako henyo)
- First elective class: French 10 :D saya!
- On Ne S'Aimera Plus Jamais (wooh, sinayaw namin 'to sa class)
- Isa pa, bilang din sa isang kamay ang naging class namin sa CS 173 (2nd sem 06-07).
- Finals sa isawan ni Mang Larry... :D take home exam na essay, at group exam pa. :D
- Isang nag-dramang prof dahil lang napagkaisahan naming hindi nagpass or gumawa ng assignment.
- Application sa Enggsoc.
- Kabado sa Math 175. :))
- Ang Talents Night sa Enggsoc :))
- Duck-walk
- Ang Foxit Reader kasi tagal magdownload at i-install ng Adoeb Reader :D
- Ang Crimson Editor courtesy of Arvin
- Ang bagong CS Building!
- Isa pang-hated MST together with Bio 1: Natsci 1... wah dito rin ata ako nagsimulang matulog at umabsent nang marami :D esp nung Chem part.
- Unang failing CS subject: CS 180. Pasaway na scores, attendance at tardiness.]
- Consistent na pang number 13 ako sa class ni Sir Quiwa at consistent tres din ako. :D
- Pinaka-bitter ako: (see above)
- Panalo ang whole day, open notes exam sa CS 135.
- Panalo rin ang anim na (mini) MPs sa CS 145. Anyway, nagawa ko naman ang lahat.
- Ang mahal ng binayaran ko for CS 280: PhP 4,500!
Basta, goodbye Blogger.
Pero ang lahat ng memories, either good or bad, ay hindi ko makakalimutan :D **corny**
Maraming salamat!
Share ko lang itong excepts from a song by Westlife entitled "Where We Belong":
And now we're four years on
Feels like we've just begun
Never forget this is where we belong
Everytime that we talk about moving on
It turns into a song
Cause together we're strong
Like the place we come from
This is where we belong











